Dahilan nito ay ang paulit-ulit na pagkaka-lockdown ng nasabing tanggapan sa nakalipas na mga buwan, kaya para umano sa kapakanan at kaligtasan ng lahat, ipatutupad ang nasabing kautusan.

Ayon pa sa LTO VIRAC, sa ngayon ay may dalawang LTO district office sa Region V ang nakasara dahil sa kontaminasyon ng virus, maliban pa ang pagkakasara rin ng LTO Head Office dahil din sa Covid.

Gayunman sabi pa ng LTO Virac, i-a-accomodate naman ang mga walang bakuna pero mananatili lamang sila sa labas ng pasilidad.

Source: RS News Express


Leave a comment..



[fb_plugin comments]