Balik-eskwela na ang ilang mag-aaral ng Kinder hanggang Grade 3 sa Taytay Elementary School ngayong Marso 7, ang unang araw ng implementasyon ng kanilang limitadong face-to-face classes.

Sa kabuuan ay may 90 paaralan na sa Catanduanes na pinayagang magsagawa ng limited f2f classes subalit hindi pa lahat sa mga ito ang handang tumugon dito.

Ayon kay DepEd Catanduanes SDS, Dr. Susan Collano, nasa ‘actual monitoring’ sila ngayon at mamayang hapon pa malalaman kung ilan sa nga paaralan na ito ang nagsimula nang magpatupad ng f2f classes ngayong araw.

Soiurce: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..