Arestado ang maglive-in partner sa isinagawang anti illegal drugs operation ng Virac MPS, Catanduanes Investigation and Detection Team, Provincial Intelligence Unit, at Catanduanes Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Antipolo Del Sur, Virac, Catanduanes, bandang 12:50 ng umaga, Pebrero 8, 2022.

Nakilala ang mga suspek sa pangalan na Kennedy Tindugan Navarro alyas Pusong at Arlene Ponciano Abraham alyas arlinda/lyn, security guard at pawang mga resident ng nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na pinirmahan ni Judge Genie Gapas-Agbada, nakumpiska sa loob ng bahay ang apat na piraso ng heat sealed transparent plastic sanchets na may laman ng pinaghihinalaang shabu, habang narekober rin ang isang .38 kalibreng rebolber na may apat na bala.

Ayon kay Virac MPS Deputy COP PLt. Francis Tabo, si Navarro ay dati nang nakulong sa parehong kaso at kinokonsiderang bilang High Value Individual ng PNP.

Sa kabilang dako ang nasabing mga ebidensiya ay dadalhin sa crime lab para alamin kung ito nga ba ay shabu habang isasailalim naman ang baril sa isang ballistic examination.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..