Motorista na Hinabol ng Pulis, Naaksidente, Nakuhanan ng Marijuana

Arestado ang isang motorista matapos makuhanan ng Marijuana. Ayon sa Virac PNP, habang nagpapatrolya ang kapulisan ng Virac na pinamumunuan ni PMSg Nestor A Venus sa Moonwalk, Barangay Calatagan, bayan ng Virac bandang ala-una ng madaling araw nitong Pebrero 12, 2022, ay kanilang namataan ang isang motorista na may angkas at parehong walang suot na helmet. Nang sitahin umano nila ang mga ito ay bigla na lang humarurot patungo sa direksyon ng Barangay Danicop kaya hinabol nila ang naturang motorista subalit pagdating sa palikong bahagi ng Barangay Sogod Tibgao Bliss ay naaksidente ang motorista at sumalpok sa poste ng kuryente at kaagad tumawag ng ambulansya sina PMSg Venus para sa agarang medikal na asistensya. Sa pinangyarihan ng aksidente ay natagpuan ang isang pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang Marijuana na ayon sa rumesponding pulis ay kanilang nakita na itinapon ng motorista matapos maaksidente

Nakilala ang motorista na sina Christian Gonzales, 23 anyos, walang asawa at trabaho at John Loyd Leonardo, 21 anyos walang asawa at trabaho, parehong residente ng Barangay Marcelo Alberto, Virac.

Si Gonzales ay kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa bayan ng Virac matapos

magtamo ng pinsala sanhi ng kanyang pagkakaaksidente habang si Leonardo naman ay nakatakas.

Ang nasabing pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang Marijuana ay itinurn-over sa Regional Crime Laboratory Office para madetermina kung ito nga ay Marijuana at lumabas sa resulta ng eksaminasyon na ito nga ay Marijuana. Sila ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang motorsiklo na MIO na may MV File No. 0501-255334 ay nasa kustodiya ng Virac PNP at napag-alaman na ito ay hindi rehistrado at wala rin Driver’s License ang nasabing motorista.

Source: Virac MPS


Leave a comment..