POLICE REPORT || MSWD Officer ng Viga, binaril, patay, ng hindi pa nakilalang mga suspek sa loob ng kaniyang kotse sa Virac, Catanduanes

Patay ang isang babae matapos barilin ng di pa nakikilalang mga suspek.

Nakatanggap ng tawag ang Virac Municipal Police Station bandang 5:20 ng hapon nitong Mayo 24, 2022 mula sa mga concerned citizen na may pamamaril na naganap sa Oceanview Subd, Brgy. San Isidro Village, Bayan ng Virac.

Agad naman rumesponde ang Virac MPS at ang mga tauhan ng Red Cross Virac at nadatnan sa pinangyarihan ng insidente ang isang sasakyan na Mitsubishi Silver Expander na minamaneho ng isang babae na kinilalang si Carmel A. Eubra, kung saan may indikasyon itong wala na buhay. Ang biktima ay isang 43 anyos, walang asawa at MSWDO ng Viga, Catanduanes at pansamantalang nanunuluyan sa isang bahay sa nasabing lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, habang minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan papasok ng Oceanview ay pinaputukan umano ito ng riding in tandem ng dalawang beses base na din sa tama ng bala sa sasakyan at basyong nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente. Panawagan naman sa ating mga kababayan na makipag-ugnayan sa mga otoridad para sa agarang pagbibigay ng hustisya sa biktima.

Source: Virac MPS


Leave a comment..



[fb_plugin comments]