
Batay sa unang assessment ng Provincial Health Office, may ilan pa umanong requirements na kailangang i-comply ang unibersidad, alinsunod sa DOH standards, kung kaya’t muling magtatakda ng schedule ng dry-run para dito.
Samantala, sinabi naman ni CatSU Pres. Patrick Azanza na ginagawa ng CatSU ang lahat upang maging kauna-unahang accredited SUC Vaccination Center sa Rehiyong Bicol.

Sa ngayon ay 150 pa lang mula sa 600 empleyado ng CatSU ang nabakunahan na kontra Covid-19.
| via Juriz Dela Rosa #RadyoPilipinas
📸PHO Catanduanes
Source: Radyo Pilipinas Catanduanes
Leave a comment..
[fb_plugin comments]