Isinagawang Negosyo Serbisyo sa Barangay Orientation ng DTI Catanduanes sa Hawan Ilaya at Hawan Grande sa bayan ng Virac nitong Marso 3.

Mahigit 50 residente sa bawat barangay ang nakilahok sa nasabing orientation ng DTI kung saan nabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo.

Katulong ng DTI sa programang ito ang Non-Government Agencies, Local Government Units, NGOs, Private at Academic sectors upang maghatid ng kamalayan tungkol sa mga programa at proyektong inoorganisa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang mahikayat ang mga mamamayan na magsimula ng negosyo.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..