Inaanyayahan ang publiko sa nakatakdang pagdinig na gagawin ng Energy Regulatory Commission (ERC) at gaganapin sa nakasaad na petsa kaugnay ng petisyon ng National Power Corporation (NPC), sa pamamagitan ng ERC Case No. 2022-030RC, para sa Recovery of CY2020 Revenue Shortfall from the Universal Charge for Missionary Electrification (UCME) kasabay ang Corresponding Adjustment of the UC-ME at ang Prayer for the Issuance of Provisional Authority sa ilalim ng naturang petisyon.

Ayon sa nasabing petisyon, hinihiling ng NPC na payagan sila na pansamantalang makapagsingil ng karagdagang P0.049/kWh upang mabawi ang P5,542,978,254.51 na kakulangan na kita sa ilalim ng UC-ME True-up para sa taong 2019 habang hindi pa napagdedesisyunan ng ERC ang tamang singil.

Source: GO SHINE VIRAC fb page


Leave a comment..