Nakumpiska ang mahigit kumulang 50 gramo ng pinagsusospetsahang “shabu” na may tinatayang halaga na Php340,00.00 mula sa isang tulak na dryber sa isinagawang buy-bust operation ngayong araw, Hunyo 24,2021 bandang 8:55 ng umaga sa Brgy San Isidro Village, Virac, Catanduanes.

Tiklo sa operasyon ang 40-anyos na si Eddie Bien y Molina na isang residente ng nabanggit na lugar.

Si Bien ay kabilang sa Regional Level High Value Individual kaugnay sa patuloy na kampanya kontra droga.

Ayon sa imbestigasyon, ginagamit nito ang kanyang pampasadang tricycle upang maghatid at magbenta ng iligal na droga sa kanyang mga kliyente. Bukod pa rito, napagalaman ring nagpapabili rin ito ng “shabu” sa mismong tahanan nito.

Pinangunahan ang operasyon ng pinagsamang tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5; RID5-RSOU; PIU/PPDEU-Catanduanes PPO; Catanduanes 1st PMFC; at MPDEU ng Virac MPS. Nakumpiska rin ng mga ito mula sa suspek ang 2 pang pakete ng plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”.

Ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nasabing ebidensya ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses.

Kasalukuyang nakapiit si Bien sa Virac MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 & 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

| via Kasurog Bicol


Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..