Bukas, Pebrero 21, nakatakda ring magsagawa ng pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes, sa Victor Hall ng Virac Town Center.

Hudyat ng pagsisimula nito ang gagawing motorcade sa sentro ng Virac alas-7:00 ng umaga. Kasunod nito ang maikling programa para sa ceremonial kid vaccination, habang alas-9:00 naman inaasahang masisimulan ang vaccination proper na pangungunahan ng PHO/Provincial Vaccination Team at EBMC COVAX Team.

300 kabataan mula sa nasabing age group ang inaasahang mababakunahan sa aktibidad gamit ang Pfizer vaccine.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..