𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝟱-𝟭𝟭 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴, 𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀

Sisimulan na ang pagbabakuna laban sa Covid-19 para sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa darating na Lunes, Pebrero 21, isasagawa ang provincial launching ng “Resbakuna Kids” sa Catanduanes State University Gymnasium, alas-9:00 ng umaga, habang may simultaneous provincewide rollout din na isasagawa kasunod nito.

Sa panayam sa Radyo Pilipinas ngayong hapon kay Provincial DOH Officer Dr. Robert John Aquino, sinabi nitong target mabakunahan sa nasabing aktibidad ang nasa 300 hanggang 500 mga bata gamit ang Pfizer vaccine.

Magmimistula aniyang birthday party ang set-up ng napiling vaccination venue upang maibsan ang posibleng takot ng mga bata at mas marami pang maengganyo na magpabakuna.

Sa huli ay nanawagan si Aquino sa mga magulang ng naturang kabataan na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang magkaroon na rin ang mga ito ng proteksyon laban sa virus.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]