Aabutin ng limang araw pa, o higit pa, ang ginagawang pagkukumpuni ng VIWAD sa pumutok na linya ng tubig na naganap noong weekend sa Brgy. Capilihan.

Ito ang ipinahayag ni VIWAD Gen. manager Gabriel Tejerero sa panayam ng RS News. Sira rin umano ang water truck ng Viwad upang magsagawa ng pagrarasyon ng tubig kaya nakatakda itong makipag-usap sa Phil. Red Cross para magsagawa ng water rationing sa Virac poblacion.

Samantala, sinimulan na ng LGU Virac ang pamamahagi ng tubig sa mga bahay-bahay gamit ang disaster equipment ng LGU.

Ayon kay Mayor Posoy Sarmiento, makikiusap din umano sya sa Bureau of Fire upang matulungan ang lokal na panahalaan na makapagbigay ng libreng tubig sa mga residente.

Source: RS News Express




Leave a comment..