Bilang tulong at suporta sa mga medical frontliners sa patuloy nilang paglaban sa muling pagdami ng kaso ng COVID-19 ngayong nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Catanduanes, 30 kahon ng Personal Protective Equipment (PPEs) ang ipagkakaloob sa lahat ng Rural Health Units (RHUs) sa lalawigan ng tanggapan ni Congressman Hector Sanchez.

Una nang naipamahagi ang 23 kahon ng PPEs sa RHUs ng bayan ng Gigmoto, Viga, Panganiban, Bagamanoc, Baras, San Andres, San Miguel, Bato, at Virac noong Enero 10-13, 2022. Susunod nang ibibigay ang natitirang 7 kahon ng PPEs sa RHUs ng Pandan at Caramoran.

Bukod sa usaping medical, patuloy din ang suporta ning Cong. Sanchez sa larangan ng edukasyon partikular ang Technical and Vocational Education sa pamamagitan ng pamamahagi ng 2 kahon ng apron sa Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA) Catanduanes para sa kanilang mga mag-aaral at guro.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanuanes


Leave a comment..