Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Mayo 23, ang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK) Jobs and Business Fair sa CatSU Auditorium.

Mahigit 100 trabaho sa lokal at abroad ang naghihintay sa mga Catandunganon sa nasabing aktibidad.

Presente na sa venue ang ang mga local at overseas employer na magpo-proseso ng inyong mga aplikasyon.

Kabilang sa mga ito ang ARDCI Microfinance Inc., Extendedline Credit Corporation, CENTRO Department Store, Motortrade Topline Inc., Jollibee Virac, Microsaver’s Inc. JC CUA Group of Companies at EarthSmart Human Resource Phil. Inc.

Ang TNK Jobs and Business Fair ay bahagi ng selebrasyon ng Abaca Festival 2022 na pinangungunahan ng PLGU Catanduanes katuwang ang DOLE.

Sourece: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..