Kahapon, Nobyembre 23, nagtungo ang grupo sa Barangay Dugui Wala kasama mismo si Mayor Posoy Sarmiento upang pasinayaan ang pagpapagawa ng limang pribadong palikuran sa nasabing barangay.

Ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiya ng nasabing grupo na pangalagaan, protektahan at panatilihing malinis ang mga ilog at kapaligiran.

Una na silang nagpaabot ng kaparehong tulong sa barangay Hicming at Dugui Too. Maliban pa rito ang pamamahagi rin nila ng mga wheel chair sa piling mga benepisyaryo, educational materials at maging scholarship grants.

📸GIBAC Foundation

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..