TINGNAN | Patuloy ang pagbabakuna sa mga senior citizen sa bayan ng Virac. Ngayong araw, Hulyo 29, ay mahigit 600 seniors ang target muling mabakunahan ng single-shot Janssen vaccine sa Regional Evacuation Center, SIV.

Samantala, as of July 28 ay umabot na sa 4,955 indibidwal ang fully vaccinated na ng RHU Virac habang may 5,193 naman na tumanggap na ng kanilang first dose ng bakuna.

Araw-araw ang gagawing pagbabakuna sa nabanggit na vaccination site hanggang sa maubos ang suplay ng Janssen vaccine na partikular na nakalaan para sa mga senior citizen (A2) Priority Group.

| via Juriz Dela Rosa #RadyoPilipinas

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..