Nilinaw ng Provincial Health Office (PHO) na hindi nakasailalim sa total lockdown ang kanilang tanggapan bagkus ay nagpapatupad lamang sila ng ‘alternative work arrangement’ matapos magpositibo sa Covid-19 ang apat (4) sa kanilang mga empleyado.

Sinabi ni Dr. Franchette Panti, Provincial Covid-19 Spokesperson, na bahagi ng kanilang containment strategy at precautionary measure ang pagkakaroon ng work arrangement na hindi makokompromiso ang kanilang paghahatid ng serbisyo.

Paliwanag ni Panti, matapos ang disinfection at contact tracing ay nagsagawa sila ng risk assessment para ma-identify ang kanilang skeleton workforce. Sa ngayon ay may mga nakatalaga silang tao sa opisina para sa pag release ng mga bakuna kontra Covid-19 pati na rin ng iba pang regular vaccines at pagsusumite ng swab specimen for testing, habang ang iba naman aniya ay naka work from home.

Pagtitiyak ni Panti, hindi nito maaapektuhan ang nagpapatuloy na vaccination rollout sa probinsya.

Sa huli ay sinabi nitong hanggang sa August 16 pa mananatiling ganito ang work arrangement sa PHO kasabay ng pagtatapos ng 14 days isolation ng ilan nilang empleyado.

#RadyoPilipinas Makakita ng Kaunti

| via Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..



[fb_plugin comments]