Pinatitiyak ng Kamara sa Department of Energy na walang magaganap na “brownouts” sa 2022 National Elections.

Sa pagdinig ng House Committee on Energy, pinalatag ni Energy Committee Vice Chairman at PHILRECA Partylist Rep. Presly de Jesus ang plano ng DOE para sa panahon ng tag-init gayundin sa gagawing pambansang halalan sa susunod na taon.

Inalam ng kinatawan mula sa ahensya ang posibleng “worst case scenario” sa nabanggit na panahon, lalo’t maaalala na nitong nakaraang mga buwan ng Mayo at Hunyo ay nagkaroon ng rotational brownouts sa Luzon.

Inamin naman ni Energy Usec. Emmanuel Juaneza na posibleng magkaroon ng “yellow alerts” o manipis na supply ng kuryente pero hindi naman ito mauuwi sa rotational brownouts.

Pagtitiyak din ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella na batay sa kanilang outlook ay may sapat na supply ng kuryente sa panahon ng eleksyon, hanggang sa matapos ang mismon halalan.

| via Kathleen Forbes #RadyoPilipinas

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..