-Virac,Catanduanes, Arestado ang isang binata na kilala sa pangalan na Julius Manoguid, tricycle driver at residente ng Purok 2, Moonwalk Road Barangay San Isidro Village, Virac, Catanduanes matapos na bentahan ng hindi rehistradong baril ang poseur buyer na pulis noong nobyembre 9,2022 bandang 9:24 Gabi.

Sa pinagsanib na pwersa ng Virac PNP, Catanduanes Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 5 at CIDG catanduanes ikinasa ang gun buy-bust na operasyon na nagresulta pagkakakumpiska isang kalibre 38 na baril na may dalawang (2) pirasong bala,dalawang (2) pirasong pinaghihinalang iligal na droga “shabu”, isang (1) unit OPPO cellphone. Isang pirasong (500) marked money at pitong (7) piraso ng limandaang piso ginamit na boodle money at isang(1) unit motorcycle gamit ng suspek.

Samantalang naiturn over na ang nakumpiskang baril at mga iligal na droga sa Regional Forensic Unit 5, ng Camp Gen. Simeon A. Ola, Legazpi City para sa Laboratory Examination.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Virac PNP, ang nasabing suspek at naisampa na Ang kaso sa paglabag sa section 32 ng republic act 10591 o comprehensive law on firearms and ammunition at section 11 ng article 2 ng republic act 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002. via | Virac MPS

#SamaSamaTayoPilipino#RadyoNatinViracFM#YourFriendYourRadio

Source: Radyo Natin Virac facebook page