Ikalawang araw ng ‘Sining Pandemya’ art exhibit sa Virac Center Mall.

Ang nasabing aktibidad ay inilunsad kahapon, Pebrero 14, ng lokal na pamahalaan ng Virac bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Ibinibida sa aktibidad ang mga likha at talento ng nasa 40 local artists mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya. May ‘live acts’ din na aabangan tuwing alas-2:00 ng hapon.

Maaaring tunghayan ang ‘Sining Pandemya’ art exhibit hanggang sa Sabado, Pebrero 19.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..