Wala nang dapat ipag-alala ang mga Members-Consumers-Owners (MCOs) ng FICELCO dahil sa ngayon ay may sapat na suplay na ng kuryente sa probinsya.

Ayon kay Mr. Marvin Tapel, tagapagsalita ng FICELCO, tapos na ang isinagawang tatlong araw na Preventive Maintenance Schedule ng National Power Corporation (NPC) sa kanilang 3.6MW Daihatsu Genset at pinaandar na ito Agosto 30 ng gabi. Malaking tulong aniya ito para makapagbigay ng sapat na suplay ng kuryente sa lalawigan dahil sa ngayon ay hindi pa rin aniya naaayos ang tatlong makina ng SUWECO na nagka-diperensya kamakailan.

Asahan aniyang wala ng load shedding schedules sa mga susunod na araw at kung may mga magiging problema man sa linya ay agad naman aniyang reresponde ang nakahanda nilang mga linemen.

Malungkot namang ibinalita ni Tapel na may mga empleyado sila ngayon, partikular sa Technical Services Department na ipinasailalim muna sa ilang araw na quarantine  matapos may makasalamuhang positibo sa Covid-19.

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..