Dahil umano ito sa lumang fire truck ng opisina, na halos tatlong dekada na ang tanda habang ang dalawa pang natitirang fire trucks ay kinakailangan ng isailalim sa maintenance at repair.

Lumabas sa pagdinig ng SB sa isang committee hearing na tanging isang sasakyan lamang umano ang nagagamit ng BFP Virac para sa pagresponde nito kung may sunog, tulad na lamang sa nangyaring sunog sa Barangay Concepcion nito lamang Enero 4, kung saan isang pamilya ang namatay at nangyaring sunog naman sa Barangay San Pedro noong 2019, na pumalya naman ang makina ng water pump ng kanilang fire truck.

Ayon kay SB Virac Committee Chair on Peace and Order and Public Safety and Good Governance Jose Sonny Francisco, sa pamamagitan ng resolusyon, ay makikiusap di-umano sila sa Department of Interior and Local Government o DILG, LGU ng Quezon City, at LGU ng Makati na mabigyan sila ng bago at malaking fire truck.

Dagdag pa ni Konsehal Francisco kailangan di-umano ng Virac na siyang kabisera ng Lalawigan ng isang fire ladder truck lalo pa’t dito matatagpuan ang gusali na may labing-isang palapag, pinakamataas na gusali sa Rehiyong Bikol.

Source: Jolly A.


Leave a comment..