Pinarangalan ng Virac Municipal Police Station (MPS) ang tatlong Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na sina Vilma Araojo ng Antipolo Del Sur, Angelo Piolo Laynes ng Marcelo Alberto, at si Ian Van Rojas ng Cavinitan, nitong Pebrero 28.

Pahayag ng Virac MPS na ang parangal ay dahil sa kanilang natatanging kontribusyon para matulungan ang kapwa nila kabataan.

Ayon sa Virac MPS, ang mga nabanggit na SK Chairman ay aktibong miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..