Bilang bahagi ng pagdiriwang ng MSME Week, sinimulang muli ng Department of Trade and Industry (DTI) Catanduanes ang Tiendas sa Isla nitong Hulyo 28.

Layunin nitong matulungan ang mga maliliit na negosyo upang mai-promote ang kanilang mga produktong lokal lalo na ngayong nasa panahon ng pandemya.

30 exhibitors ang nabigyang pagkakataon na makapagpromote ng kani-kanilang mga produkto tulad ng home-made snacks, paintings, plants, kasali rin ang mobile bar na ‘Drunk Box’.

Hati sa dalawang grupo ang exhibitors ng nasabing programa. Mayroong magbubukas ng 8am-6pm sa VTC Lobby at mayroon din sa VTC Metrowalk na magbubukas mula 1pm-8pm. Magtatagal ng apat na araw ang Tiendas Sa Isla mula Hulyo 28 hanggang Hulyo 30.

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..