Pinal na bubuksan sa sunod na taon ang mga gusali ng mga opisina ng gobyerno sa Virac Community Hub ng Virac.

Ayon kay Virac Mayor Samuel Laynes, magkakaroon na ng isang Provincial Transport Terminal ang Catanduanes kung saan paglalagyan ng mga pamasaherong Bus, UV Express, at mga Traysikel. Paglalagyan rin ito ng mga gusto magbukas ng negosyo.

Ilalagay rin sa Virac Community Hub sa San Isidro Village ang mga opisina ng MSWDO, BFP, VIRAC MPS, DOJ Building na kasalukuyan ay bukas na, NBI OFFICE, RHU, BFAR , EVACUATION CENTER, POST OFFICE at ilang pang Government Offices.

Dito rin ilalagay ang animal shelter para sa mga asong gala o “Astray Dogs” at shelter para sa mga kabataan na may mental health problem. May ilalagay umano ritong doktor para sa may ganoong kondisyon.

📷 Rey B.

#SamaSamaTayoPilipino #RadyoNatinViracFM #YourFriendYourRadio

Source: Radyo Natin Virac facebook page