Nakiisa ang kapulisan ng Virac Municipal Police Station sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Sto. Niño, Virac, Catanduanes nitong Abril 3, 2022. Ito ay bahagi ng aktibidad ng SK at KKDAT ng Barangay Marcelo Alberto, Virac sa pangunguna ni SK Chairman at KKDAT President na si Angelo Piolo Laynes sa kanilang opening ng SK SPORTS FEST 2022. Ito ay naglalayon na maipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng kalikasan at ang pagkakaisa tungo sa isang malinis at malusog na kapaligiran.Saludo kami sainyo KKDAT officers and members of Marcelo Alberto. Kudos!

Source: Virac MPS CATPPO


Leave a comment..