Pormal na isinagawa ang Seremonyal na Pagpapalit ng Pamunuan ng Catanduanes Police Provincial Office (CATPPO) ngayong hapon, ika-11 ng Enero 2022 sa Camp Francisco Camacho sa Bayan ng Virac.

Papalit kay outgoing Provincial Director, PCOL BRIAN B CASTILLO ang dating Chief ng Regional Operations Division ng Police Regional Office 5 (PRO5) na si PCOL BENJAMIN B BALINGBING JR.

Pinangunahan ang nasabing Seremonya ng Deputy Regional Director for Operations (DRDO) ng PRO5 na si PCOL RODULFO D CASTIL JR. Sa kanyang mensahe, ipanaabot nito ang pasasalamat sa Outgoing PD sa mahigit isang taon na paninilbihan nito sa probinsya at hiniling ang kooperasyon at suporta para sa bagong Provincial Director ng CATPPO.

“Naway, kung ano man ang ipininakita ninyo, ay iyon din sana ang suportang ibibigay natin sa ating bagong Provincial Director”, aniya.

Sa huli, hinimok ng DRDO na pagtutulungan ng bawat isa alang-alang sa Pambansang Pulisya. Bago ito, si PCOL BALINGBING ay dati na ding itinalaga at nanilbihan bilang Chief ng Regional Community Affairs and Development Division, Battalion Commander ng Regional Mobile Force Battalion at Chief ng Regional Learning and Development Division ng PRO5.

Source: Bicol Peryodiko Virac


Leave a comment..