Kaugnay sa darating na halalan ngayong taon, nagsagawa ng Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at Peace Covenant Signing kaninang alas-5:00 ng umaga, Pebrero 20, sa lalawigan ng Catanduanes, na pinangunahan ng Catanduanes PNP.

Nagsama-sama para sa isang mapayapa at patas na eleksyon ang mga lokal na kandidato sa probinsya para sa Municipal at Provincial Level. Nakilahok din sa aktibidad ang mga personahe ng PNP, AFP, COMELEC, COMELEC, DILG, BFP, BJMP, at PPCRV/NAMFREL.

Sinimulan at nagtapos sa Virac Plaza Rizal ang ginawang paglalakad o pagmamartsa ng mga nakilahok para dito na sinundan ng maikling programa.

Matapos ito ay ginanap ang Signing of Peace Covenant ng mga dumalong lokal na kandidato at iba pang kalahok bilang simbolo ng pagkakasundo na magtulungan upang makamit ang isang tapat, ligtas, matiwasay at makabuluhang eleksyon para sa kasalukuyang taon.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..