Naitatanong ng dating lone district  Congressman Cesar V. Sarmiento ang updates hingil pamimili at distribution ng shelter materials ng provincial government ng Catanduanes kung ilang pamilya at tig- ilang yero ang ipinamimigay, tulad daw kaya ng balak na ipamigay ng Red Cross?

Ang pag lahad ng tanong ay ipinaskil ni Sarmiento sa kanyang sa fb post kahapon bilang masayang reaksyon at  sa napabalitang muling pagpadala ng Phil Red Cross ng limang (5) 20-footer containers na naglalaman ayon sa ulat ng mga yero (CGI Sheets) at shelter toolkits na ipamimigay sa mga nasiraan ng bahay noong Bagyong Rolly pa.

Ayon sa Philippine Red Cross, ang mga imported CGI Sheets kasama ang shelter tool kits ay ipamamahagi sa 1,000 pamilya sa Catanduanes na nasalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon sa kay Sarmiento, marami ang masisiyahan at mapapaligaya nitong magandang hakbang ng Red Cross – na ang balak o target nilang bigyan ay 1,000 families at bawat recipient ay makakatanggap ng 10 piraso ng yero at shelter toolkits.

Aniya, tiyak na may basehan ang Red Cross sa pagpili ng pagbibiyan nito.

“Dasal natin na ang mapipili nila ay yong di pa talaga nakatanggap minsan ng mga shelter materials mula pa noong Nobyembre 2020 hanggang sa ngayon”.

Samantala, sinabi nitong napag alaman nya sa ulat media sa socmed dito sa isla na “nakatanggap ng mga donasyon ang Provincial Government mula sa National Government at mga private donors at ito ay naka-earmark gamitin na pambili ng shelter materials para ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo”.

Tanong ng dating kongresista, “ano na kaya ang update sa pamimili at pamimigay ng shelter materials ng Provincial Government? Ilang pamilya na kaya ang mga nabigyan ng shelter materials at mga tig-iilan na yero ang naipinamigay ng Kapitolyo (tulad kaya ng balak na ipamigay ng Red Cross?).”

Ayon pa kay Sarmiento, natanong nya ang bagay na ito dahil sa pagdating ng maraming shelter materials na nagmula sa Red Cross at para mas marami ang matulungan nito. Sana maiwasan ang pagbigay nito sa mga nabigyan na noon pa na galing sa mga foundations, NGOs,  private donors at ng Kapitolyo”.

Umaasa si Sarmiento na “sana mafollow-up ng media entities,  ang report ng Kapitolyo sa bagay na ito in the interest of tranparency. At kung sakaling naireport na nila ito ay WELL and GOOD.” pagwawakas na sabi ni Sarmiento.

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..