Nilinaw ni Provincial Information Officer Nikko Franco Templonuevo ang mga requirements na kinakailangan papasok sa Catanduanes.

Aniya, ang mga magmumula sa Interzonal areas o mga lugar na may kaparehong quarantine classifications sa Catanduaness ay maaaring makapasok ang mga ROF, LSI at mga APOR (Government and Non-government). Kinakailangan nilang ipasa ang mga sumusunod sa kanilang S-PaSS account upang makakuha ng Travel Coordination Permit (TCP): Government-issued valid ID, at negative result ng RT-PCR test. Ang mga kumpleto sa bakuna na magmumula sa MGCQ ay maaaring gamitin ang kanilang vaccination card kapalit ng RT-PCR test na hinihinging requirement, kung hindi pa bakunado ay kinakailangan pa rin ng sumailalim sa RT-PCR test.

Mas mahigpit umano ang pagpapasok sa mga indibidwal na magmumula sa lugar na parte ng Intrazonal areas o  mga lugar na nasasailallim sa ibang quarantine classification na hindi katulad ng Catanduanes (ECQ, MECQ at GCQ). Lahat di umano na manggagaling sa mga lugar ay kailangan magpresenta ng original negative RT-PCR test result, kumpleto ka man sa bakuna o hindi.

Ang pagpasok ng mga biyahero ay limitado lamang  sa APOR para sa ECQ areas at MECQ areas na pinapayagan na ang mga essential traveler kasama ang APOR.

Habang ang mga pinapayagan makapasok na manggagaling sa GCQ areas ay mga APOR (Government and non-government), ROF, at LSI.

Paalala ni Info Officer Templonuevo ang mga requirements ay kinakailangan i-upload sakanilang S-PaSS account upang makakuha ng TCP at huwag bibiyahe nang hindi pa approved ang TCP upang hindi maabala at ma-stranded sa port ng Tabaco.

Source: Radyo Natin Virac


Leave a comment..



[fb_plugin comments]