Sinimulan na ang demo ng Vote Counting Machine sa isinasagawang VCM roadshow ng COMELEC sa Virac Plaza Rizal.

Layon ng aktibidad na maipaalam sa mga botante ang proseso ng pagboto at kung paano ito mapo-proseso ng makina sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Atty. Maico Julia, Jr., Acting Election Officer ng COMELEC Virac, ang nasabing Vote Counting Machine ay upgraded version ng makinang ginamit noong 2019 elections. Mas marami na aniya ang safety features nito. Encoded na rin dito ang mga pangalan ng Electoral Board sa resibo at digital signature na rin daw ang gagawin ng mga guro.

Kabilang sa nga dumalo sa aktibidad at sumali sa trial session ang ilang opisyal, empleyado, representante ng iba’t ibang grupo at ang local media.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes


Leave a comment..



[fb_plugin comments]