Balik operasyon na bukas ang Virac Water District (VIWAD) matapos ang dalawang araw na lockdown bunsod ng pagpopositibo sa Covid-19 ng dalawa nitong empleyado.

Ayon kay Manager Gabriel Tejerero, isinailalim sa lockdown ang kanilang opisina para bigyang daan ang contact-tracing. Ngayong araw din ang schedule ng swab testing ng kanilang mga empleyado.

Tiniyak naman ni Tejerero na tanging mga empleyado nilang walang contact sa mga nagpositibo ang papayagang makapasok. Binigyan na rin aniya sila ng certification ng RHU Virac kaugnay ng kanilang pagbabalik operasyon bukas.

|via Radyo Pilipinas Catanduanes



Leave a comment..