Kasalukuyang walang transaksyon ang Virac Water District (VIWAD) simula kahapon Agosto 9, matapos magpositibo sa COVID-19 ang anim (6) nitong empleyado.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay General Manager Gabriel Tejerero, sinabi nitong magbabalik serbisyo sa Huwebes, Agosto 12 ang kanilang tanggapan.

Dagdag pa niya, patuloy pa sa ngayon ang isinasagawang disinfection para sa kanilang opisina.

#RadyoPilipinas

Source: Radyo Pilipinas Catanduanes


Leave a comment..